Mukhang wala pang thread dito for the UAAP games ng Season 74 Green Archers.

Let's start reviewing on yesterday's game versus FEU.

Backcourt/Wing: Si Revilla lang ang may magandang laro from La Salle's backcourt yesterday. Napapagod na lang din kaya hindi na makapag-perform ng maayos but kung gugustuhin niya, tingin ko maglalaro siya for 40 minutes. Vosotros was not on his element. Poor-decision-making especially on the offensive end para sa kanya. He cannot get his shots going and wala ring initiative to drive and dish man lang or set-up mga kakampi niya. Masakit din sa mata panoorin si Atkins kahapon. Wala din sa utak maglaro. Threw a lot of shots with good looks pero hindi lang talaga lumalaglag. He even had a botched lay-up.

Okay sana laro ni Dela Paz kaya lang kulang pa sa aggressiveness to get the basketball and score baskets. Parang ang konti lang ng attempts niya kahapon. Nakatulong sana siya sa opensa had he gotten more scoring opportunities.

Hindi ko alam kung ano problem ni Marata yesterday kung bakit halos hindi siya pinalaro. Mukha siyang tumaba pero yung iba sinasabi na he just added muscle. Mukhang wala sa kundisyon yung bata and his scoring presence would have helped the team as well.

Tampus played a bit mature yesterday save for his crucial turnovers sa 2nd half. Hindi na niya pinupwersa mga tira niya and kung may makikita siyang pasa sa ilalim, he makes those passes. Si Andrada ang kanyang paboritong target before Andrada went down with a bad fall nung 2nd quarter.

Si Webb, ganun pa rin. Walang direksyon ang mga tira. Tentative sa mga galaw sa opensa. Tingin ko nga puede na siya ibangko with his performance yesterday. Takot mapalpal. Hindi man lang kumuha ng body contact sa kalaban to fish for a foul. Basta pag may sumabay sa kanya, ibabato na lang niya na parang ala-hoy.

Frontline: Magandang grado para kina Torres, Van Opstal, at Gotladera. Kahit na foul-trouble si Torres, bumawi siya sa depensa and gumawa din kahit papaano sa opensa sa kokonting oras na nakapaglaro siya sa loob ng court. Torres also had good looks from the perimeter kaya lang hindi lang din talaga maipasok. Si Van Opstal naman, nagpakita ng tapang sa loob ng court kahit alam mong may halo pang gigil sa kanyang parte. Gotladera also showed flashes of brilliance kahit alam mong gigl pa rin. Lumalaban kahit na beterano yung bumabantay at mas magulang na sa kanya maglaro.

Nawala si Mendoza kahapon. Hindi nagpakita ng kahit na ano sa paglalaro sa loob ng court. Si Papot, ganun pa rin. Malambot at nagpapatulak basta-basta sa kalaban. Parang tinatamad maglaro kahapon e. Parang mas gusto na matulog na lang sa bahay. Hindi nakapagtatakang wala siya halos playing time.

Hindi ko alam kung kabado ba ang mga players ng La Salle kahapon. Hindi ko din lubos maisip kung bakit kailangan pa nilang kabahan at yung iba sa kanila beterano na kung tutuusin. Sa opensa, parang kulang ang mga play na pinatatakbo ng coaching staff at yung mga bata ay parang nakakahon sa offensive plays na pinapagawa sa kanila. Dahil ba sa wala talagang go-to guy ang La Salle? O takot lang mapagalitan ng coaches pag hindi sila assigned na tumira kahit na broken play na ang set?

Hindi naging maganda ang opensa ng La Salle kahapon. Napakasakit sa mata panoorin na kahit lay-up ay nagawa nilang i-mintis. Mabagal din magpatakbo ng offensive sets kahapon. Ang tagal mag-isip kung ano gagawin sa bola, kung ibibigay ba sa poste o paiikutin sa perimeter.

Wala nang katapusan ang problema sa free throws ng Archers. Parang habit na nila ang mag-mintis ng free throws. Hindi ko rin alam kung kulang lang ba sila sa ensayo mag-free throw o talagang kabado lang din sila sa laro kaya puro mintis ang kanilang mga free throws.

May anim na araw na puede maghanda ang La Salle para sa Ateneo sa Sabado pero sa ngayon napakadami pang kakaining bigas ng La Salle kung gusto nilang may marating sila this season. Hindi ko rin alam kung saan at paano sila magsisimula pero madami pa namang panahon para mag-adjust. Mahaba pa ang liga pero dapat aksyunan ang dapat aksyunan.