May pag-asa pa ba ang Pilipinas para umunlad at maging isang Singapore kunware? Simula sa kagawad hanggang presidente corrupt. May mga pailan-ilan na lumalaban sa corruption pero di hamak na mas madameng corrupt. Ang mga politiko. Walang vision. Mi ultimong pagplano ng Metro Manila palpak. Pumunta ka sa mga ahensya ng gobyerno at siguradong mahihirapan ka dahil bulok ang sistema. Laganap ang krimen. Hinde na lang sa Tondo hinde safe ngayon. Lahat ng lugar hindi na safe.
Napagisip-isip ko ano ba solusyon? May nabasa ako sa dyaryo na kelangan ng Limang sunod-sunod na matitinong presidente para maiahon ang Pilipinas. Imposible ata mangyare na magkaron ng matinong presidente.
Isang military junta? Gusto ko sana ang idea na to. Tipong kamay na bakal. Lilinisin ang lahat ng kaguluhan at kapalpakan naten pero masyadong prone sa abuse. Baka maging North Korea pa tayo.
Sa eleksyon na to. Naniniwala akong si Bayani Fernando ang may pinakamalakas na Political will para ayusin ang Piipinas. Pero kahit anong gawen nia hindi yan mananalo. Noynoy? di ako bilib sa record niya. Chiz, anak mayaman. Baka may interes? Gibo, parang kay chiz na ren..
Di ko masisisisi ang mga nagsisi-ibang bansa para dun na tumira. Kayo sa tingen nyo may pag-asa pa ba tayo?
Isang kabataan lang po na mahirap ang pamilya. Just thinking out loud.











Reply With Quote
