
Originally Posted by
bluewing

Originally Posted by
LION
Hahahaha. Ganun lang sa una pare, pa imress!* pag nakuha na, kahit tip sa extra service di na kailangan.* * ;D*
By the way, kung pagkain din lang pag uusapan maraming cafeteria sa loob ng Camp Aguinaldo malapit sa logcom driving range kung saan ang specialty nila ay Ilokano dishes.* May papaitang kambing, kaldereta, kinilaw, mga gulay, isda, adobo at kung ano ano pa na magugustuhan ng mga manginginom at mahilig sa ganitong klase ng pagkain.
Good food. Good price.* *Hindi nga lang tipong loida ang mga waitress nila.*
Pagkatapos mag golf sa umaga diretso kayo dito at siguradong mapapakain kayo ng husto.* *
madalas kami dito nung college. totoo ba na trellis din daw ang may-ari nito?
Kung ito 'yung nasa may driving range na kahanay sa NDCP hindi Trellis ang may-ari, pero mga na-pirate mula sa Trellis ang mga tao dito. Kung matikman niyong sisig nila saktong-sakto sa sisg ng Trellis, ganun din sa kanilang crackling liempo at halaan and mushroom soup.
Kaya lang baka ibang lugar ang tinutukoy ni Sir Lion. Kasi ang alam kong masasarap ang pagkaing Ilokano at Kapampangan duon sa concessionaire row sa bandang loob na mismo, halos bungad nung EP Barrio ng GHQ. Ang tinatangkilik namin dun ay ang EDADES, na merong dinakdakan, kinilaw na baboy, kinilaw na pusit, samo't saring inihaw, at ang kanilang mga pamatay na potaheng kambing gaya ng kaldereta, kilawin, asado/adobo, papaitan. Meron din silang mga pambihirang ensalada gaya ng lato, ar-arusit, mga sariwang gulay-Ilokano na may burong-isda at iba't ibang style ng diningdeng. Andami pang magpala ng kanin, talagang pang-sundalo.
Natatawa nga lang ako at bihirang kumain dun ang mga Company-grade officer (Captain-pataas) kasi nahihiya silang makahalubilo ang mga sibilyan (gaya ko) at mga EP. Pero hindi naman nahihiyang magpa-takeout ang mga lintek. ;D
Isang dinakdakan, isang kilawing pusit, isang ensaladang lato, dalawang kanin, sabaw ng papaitan, isang 1.5 na softdrinks at dalawang yosi nasa P200 lang total.