twitterfacebookgoogle+register
+ Reply to Thread
Page 2 of 9 FirstFirst 1 2 3 4 ... LastLast
Results 11 to 20 of 88

Thread: Metropolitan Basketball Association (1998-2002)

Share/Bookmark
  1. #11

    Re: Metropolitan Basketball Association (1998-2002)

    Siyempre Laguna Lakers ako may bahay kami dito eh. Pero ang may pinakamagandang pangalan ay Batangas Blades!

  2. #12

    Re: Metropolitan Basketball Association (1998-2002)

    Naalala ko 'yung isang dunk ni Ruben Dela Rosa, limot ko na kung sinong team 'yung kalaban nila. Nag-drive siya duon mismo sa gitna nasa kaliwang kamay niya 'yung bola. Tapos biglang lundag, akala ko layup lang gagawin kasi malayo ang takeoff, lampas lang ng konti sa may keyhole area. Nung tumalon na siya nalipat na sa kanang kamay niya ang bola, duon na natapos ang lahat. Bigla na lang parang tumaas ng tumaas ang lipad niya tapos BANG! Taragis, 'yung na sigurong pinakamatinding dakdak na nakita ko sa buong buhay ko, in traffic pa at maraming sumama sa poster.
    "Kung ayaw mong masaktan mag-chess ka na lang!"

  3. #13

    Re: Metropolitan Basketball Association (1998-2002)

    Sa lahat ng mga Kano (huwag na nga tayong maglokohan na Fil-Am sila) na naglaro sa MBA pinakamagaling na siguro si Chris Clay. Sa tindi niya alam ko nakuha pa siyang import ng Sta Lucia yata sa PBA. Matindi din 'yung Matt Mitchell kahit na medyo lapok ang ugali. Marami ding nagdaan na mga Kano diyan na naglaho na din, gaya nina Jeffrey Flowers, John Dumont at Kenny Evans. Ano na kaya nangyari sa mga ito?
    "Kung ayaw mong masaktan mag-chess ka na lang!"

  4. #14

    Re: Metropolitan Basketball Association (1998-2002)


    Tila Subic-based si Jeff Flowers. May Big Man Camp pa sila ni Norman Black every now and then ...

  5. #15

    Re: Metropolitan Basketball Association (1998-2002)

    Memories ko sa MBA:

    Amazing Shooting Display - Biboy Simon na naka 50+ points ata siya nun

    Sagutan ng Baskets - Hontiveros vs Ferriols. Kala mo si Wilkins at Bird sila nun.

    Negros vs Cebu - Kahit sino manalo o matalo batuhan. :D

    Rebounding Monster- A very young Rudy Hatfield.


  6. #16

    Re: Metropolitan Basketball Association (1998-2002)

    Wala ng mas gaganda pa sa pagdomina ni Rommel Adducul sa MBA. Saksak nung mga Kano sa baga nila "hoops world" nila. Sa MBA ang pinaka-unstoppable na player si Gen Rommel.
    "Kung ayaw mong masaktan mag-chess ka na lang!"

  7. #17

    Re: Metropolitan Basketball Association (1998-2002)


    Sayang, kung hindi sana nagsara ang MBA, ang dami pang teams na gustong pumasok. Balita ko, nakapila na at kumakatok sa pintuan ng MBA ang mga sumusunod:

    Muntinlupa Inmates
    Las Pinas Organs
    Pandacan Giants
    Cubao Farmers

    Yung iba nakalimutan ko na.

  8. #18

    Re: Metropolitan Basketball Association (1998-2002)

    "Nobody does it better than the PBA"- Noli Eala

  9. #19

    Re: Metropolitan Basketball Association (1998-2002)

    Quote Originally Posted by LION

    Sayang, kung hindi sana nagsara ang MBA, ang dami pang teams na gustong pumasok. Balita ko, nakapila na at kumakatok sa pintuan ng MBA ang mga sumusunod:

    Muntinlupa Inmates
    Las Pinas Organs
    Pandacan Giants
    Cubao Farmers

    Yung iba nakalimutan ko na.

    Sir Lion nakaligtaan mo ang mga sumusunod:

    BULACAN TOOTERS
    MANDALUYONG INSIDERS
    PATEROS MIGHTY DUCKS
    DIVISORIA HAWKERS
    BAMBANG FASHIONISTAS (Sponsored siempre nung Eloy's Used Clothing)
    "Kung ayaw mong masaktan mag-chess ka na lang!"

  10. #20

    Re: Metropolitan Basketball Association (1998-2002)

    ^^^Hahahaha. Salamat sa paalala Ka Wang-Bu.

    Yaman din lang na napag usapan na ang mga pangalan ng teams sa MBA, may mga katanungan ako sa mga napiling pangalan ng ibang teams na hindi naman tumutugma.

    Ang Metro Manila MetroStars ay nakuha sa pangalan ng MRT, hindi ba? Batangas Blades e obvious na nakuha yun sa balisong. Yung Iloilo Megavoltz e nakusa sa mga powerplants nila.

    Pero yung Socsargen, Marlins ang pinili nila pero mas akma yata kung Tunas na lang.

    Pampanga Dragons - dahil ba sa bulkang Pinatubo? Hindi naman sa Pampanga makikita yun di ba?

    Cebuana Gems - Mukhang hindi ito sumunod sa uso.

    Pasig/Rizal - Pirates? Saan naman nila nakuha yun?

    San Juan - Knights? What the .....?



 
+ Reply to Thread
Page 2 of 9 FirstFirst 1 2 3 4 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts

 
Visitor count:
Copyright 2005 - 2013. Gameface.ph