twitterfacebookgoogle+register
+ Reply to Thread
Page 3 of 14 FirstFirst 1 2 3 4 5 13 ... LastLast
Results 21 to 30 of 133

Thread: "Saan Tayo?" Postgame Eats and Drinks

Share/Bookmark
  1. #21

    Re: "Saan Tayo?" Postgame Eats and Drinks

    Quote Originally Posted by LION
    Quote Originally Posted by Wang-Bu
    May isang lugar duiyan sa may border ng Maynila At Quezon City diyan mismo sa may Espana, ang tawag sa kanya "Bulaluhan Ni Ramirez", although dati ang turing lang dun ay simpleng "Bulaluhan."

    Ewan ko lang kung pasok ito sa usapin dito pero sa totoo lang ang sarap mag-bulalo dun, bottomless ang sabaw, at hindi ito gaya ng ibang bulalo na nilaga lang, may tunay na asim ng sinigang sa sampaloc ang sabaw, sakto sa mga nagpapababa ng tama matapos ang toma. At sino naman ang hindi dumederecho ng toma matapos ang isang laro? Matindi ang dating ng sabaw ng bulaluhan, at malinamnam na simpleng biyas, tuhod o tlampakan ang bulalo nila. Basta um-order ka sa kanila, kahit hindi bulalo, may bottomless sabaw ka. Da best pumunta dun matapos ang toma, mga bandang alas-onse ng gabi hanggang alas-dos ng madaling araw, bente-kwatro oras naman sila e.


    likod ng UDMC to...
    Marami nga din pala silang ibang potahe: inihaw na liempo, inihaw na plapla, inihaw na hito, lengua estofado, chicharon bulaklak, Bicol express, sisig, karekare, chopsuey, papaitan, monggo gisado. Mga simpleng pagkain lang sa isang simpleng lugar, pero lintek naman sa sarap at mura. Madalas ang order ko ay isang bulalo at isang inihaw, tapos dalawang kanin, namumulubi ako pagbayad ko kasi halagang P98 ang singil para sa ganun karaming pagkain. 'Yun nga lang, hindi yata pwede dun ang mga masyadong maselan gaya nung mga taga-Katipunan.


    Lekat....ginutom ako dun ah. Galing ng pagkaka describe mo.* Sayang wala na kasi yung hepa lane ng San Beda.* Pinatanggal ng mga pari.


  2. #22

    Re: "Saan Tayo?" Postgame Eats and Drinks

    May isa pa nga palang branch ang bulaluhan, diyan sa may Ramirez street mismo, 'yung pababang karsada kapag nadun ka sa main entrance ng UDMC.

    Kung trip mo ng hardcore na inuman diyan ka sa may RON REG sa Boni Avenue sa Mandaluyong, tapat halos ng Caltex dun. Meron din silang bilyaran at tapsilugan. Mura lang ang beer, nasa P25 lang yata ang malaking Red Horse. Pwede ka ding manghiram ng pitsel at manghingi ng yelo kung trip niyong itagay ang Kabayo. Tambayan ito ng mga player ng JRU pati na rin ng mga galing laro sa Dumlao or sa Reyes.
    "Kung ayaw mong masaktan mag-chess ka na lang!"

  3. #23

    Re: "Saan Tayo?" Postgame Eats and Drinks

    Quote Originally Posted by atenean_blooded
    Quote Originally Posted by time1513
    MR Kebab. Q. ave. one of the best kebab ive eaten. also very affordable. P150 busog na!*
    I concur. This place is full even at 3am of Saturday.
    For the old hardcores and old timers it is known as Persia House, okay din kumain sa ongpins delight na katabi.
    Me inuman din dati diyan eh, filling station.

  4. #24

    Re: "Saan Tayo?" Postgame Eats and Drinks

    Quote Originally Posted by Wang-Bu
    May isa pa nga palang branch ang bulaluhan, diyan sa may Ramirez street mismo, 'yung pababang karsada kapag nadun ka sa main entrance ng UDMC.

    Kung trip mo ng hardcore na inuman diyan ka sa may RON REG sa Boni Avenue sa Mandaluyong, tapat halos ng Caltex dun. Meron din silang bilyaran at tapsilugan. Mura lang ang beer, nasa P25 lang yata ang malaking Red Horse. Pwede ka ding manghiram ng pitsel at manghingi ng yelo kung trip niyong itagay ang Kabayo. Tambayan ito ng mga player ng JRU pati na rin ng mga galing laro sa Dumlao or sa Reyes.
    mabuti nga eh nilakihan na nila yung puwesto, dati sa sidewalk lang, malas mo pa kung maunahan ka ng mga taxi drivers sa mga upuan at paniguradong nasa waiting list ka.

  5. #25

    Re: "Saan Tayo?" Postgame Eats and Drinks

    Saan eksakto sa Quezon ave. yung Persian House/Mr. Kebab? Salamat po sa mga sasagot.

  6. #26

    Re: "Saan Tayo?" Postgame Eats and Drinks

    Quote Originally Posted by Apocrypha
    Saan eksakto sa Quezon ave. yung Persian House/Mr. Kebab? Salamat po sa mga sasagot.
    Kung hindi ako nagkakamali, ito ay yung sa may kanto ng West Ave. yung sa may Delta theater. Meron din dun Pizza Hut at meron ding kalapit na supermarket sa tabi. Masarap kumain dito. Sulit na sulit.
    One thing "the best" never do as they become more successful: slow down. Just not in the vocabulary of "the best". - Kevin Eastman, assistant coach, Boston Celtics (2004-Present)

  7. #27

    Re: "Saan Tayo?" Postgame Eats and Drinks

    the legendary mr. kabab... 2am na, and you still have to wait to be seated, lalo na pag sabado.

  8. #28

    Re: "Saan Tayo?" Postgame Eats and Drinks

    Quote Originally Posted by bigfreeze_bibby
    Quote Originally Posted by Apocrypha
    Saan eksakto sa Quezon ave. yung Persian House/Mr. Kebab? Salamat po sa mga sasagot.
    Kung hindi ako nagkakamali, ito ay yung sa may kanto ng West Ave. yung sa may Delta theater. Meron din dun Pizza Hut at meron ding kalapit na supermarket sa tabi. Masarap kumain dito. Sulit na sulit.
    mr. kebab is beside a supermarket called new life. its along q ave pero parang nasa gitna sya ng west ave and q ave. i used to eat there at least once a week or minsan twice.. kng gusto nyo ng baboyan.. order kayo ng special chelo kebab(beef), keema with eggplant and extra rice. tpos may tubig naman dun eh.. solve. P150 lng yan. pero sobrang busog na! ;D
    Don't have a mindset of being a point guard or being a center. Have that mindset that you want to be a basketball player.

  9. #29

    Re: "Saan Tayo?" Postgame Eats and Drinks

    Marami pong salamat ginoong bibby at time1513. Makadaan nga dun minsan.

  10. #30

    Re: "Saan Tayo?" Postgame Eats and Drinks

    always good after drinking! sarap ng special chelo kabab, sabawan mo ng garlic sauce and pitikan mo ng hot sauce! funny pa yung mg attendant


 
+ Reply to Thread
Page 3 of 14 FirstFirst 1 2 3 4 5 13 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts

 
Visitor count:
Copyright © 2005 - 2013. Gameface.ph