twitterfacebookgoogle+register
+ Reply to Thread
Page 1 of 98 1 2 3 11 51 ... LastLast
Results 1 to 10 of 977

Thread: Wala Lang: Walang Kinalaman Sa Basketball

Share/Bookmark
  1. #1

    Wala Lang: Walang Kinalaman Sa Basketball

    Dito tayo maglagay ng mga walang kinalaman sa basketball pero atat nating sabihin sa site na ito.

    Paalala lang: Basta walang libelous, slanderous at bashing sa ibang paaralan at mga katoto dito.

    Mas mahalagang paalala: Sa mga fans duon po kayo mag-post sa subforums.

    Mahirap na, baka ma-suspend na naman ako at nag-uumpisa ako ng mga pasaway na thread...

    Bwena mano na ako: Lumalakas ang Piso kontra Dolyar.Maganda ang bwelo ng stock market. Pababa ang presyo ng gasolina. Mag-uumpisa ng summer vacation. Anak ng pota, ano pang inaangal ng mga epal na politiko at politikang laos gaya nina Cory at Guingona? Puro epal puro epal!
    "Kung ayaw mong masaktan mag-chess ka na lang!"

  2. #2

    Re: Wala Lang: Walang Kinalaman Sa Basketball

    Madalas ako sumakay ng Pasig-Quiapo na jeep. Sumasakay ako sa Pureza bumababa ako sa Crossing. Sa sampung beses sinisingil ako ng limang beses ng P11, sa tatlong beses P12.50, minsan P12, minsan P11.50. May fare matrix naman, bakit iba-ibang singil? Ano ba talaga? Sabi ko na nga bang basta driver ng public utility puro mga ewan e.
    "Kung ayaw mong masaktan mag-chess ka na lang!"

  3. #3

    Re: Wala Lang: Walang Kinalaman Sa Basketball

    Para sa mga interesado sa tunay na HARDCORE basketball. Nagkahamunan na kami ni Wang-Bu, ang kanyang "posse" laban sa barangay all-stars namin. Gaganapin ang laro pag tapos na ang pasukan sa isang neutral venue. Nagprepresinta si Kid Cubao na maging host namin sa Proj., QC. Abangan!

  4. #4

    Re: Wala Lang: Walang Kinalaman Sa Basketball

    ^ Saang project po yan? Dos ba? May seniors division yan? Partida nalang kaya sa mga card bearing seniors?

  5. #5

    Re: Wala Lang: Walang Kinalaman Sa Basketball

    Quote Originally Posted by bchoter

    ^ Saang project po yan? Dos ba? May seniors division yan? Partida nalang kaya sa mga card bearing seniors?
    Project 4, po. Doon daw maraming siga sa basketbol sa QC sabi ni Kid Cubao. Open division ang napagkasunduang laro, no minors and seniors (citizen) allowed. Matagal-tagal pa po bago ako makakakuha ng discount sa mga kainan, botika't sinehan, ewan ko lang kay Wang-Bu.

  6. #6

    Re: Wala Lang: Walang Kinalaman Sa Basketball

    Quote Originally Posted by tambay_sa_recto

    Para sa mga interesado sa tunay na HARDCORE basketball.* Nagkahamunan na kami ni Wang-Bu, ang kanyang "posse" laban sa barangay all-stars namin.* Gaganapin ang laro pag tapos na ang pasukan sa isang neutral venue.* Nagprepresinta si Kid Cubao na maging host namin sa Proj., QC.* Abangan!

    Pusang gala ka Tambay! Usapan natin CLOSED DOOR ang laro para talagang hardcore, nag-advertise ka pa dito!?

    Gusto mo pang makita ng madla kung papano namin kayo pagapangin ng mga barangay eng-eng mo?

    Bahala ka...
    "Kung ayaw mong masaktan mag-chess ka na lang!"

  7. #7

    Re: Wala Lang: Walang Kinalaman Sa Basketball

    Quote Originally Posted by Wang-Bu

    Pareng Wang-Bu, galit ka na naman. Relax lang, bro. Dapat medyo maaliwalas ang disposisyon mo ngayon dahil inilampaso ng UE ang ADMU kanina sa "hardcore hardwood" ninyo para makarating sa finals ng HAIL laban sa SBC. Saka ka na manggalaiti kapag tinambakan na rin namin kayo ng mga bente hanggang trenta.

  8. #8

    Re: Wala Lang: Walang Kinalaman Sa Basketball

    Tambay, asa ka pa, mukhang tagilid na naman kayo sa UAAP. Hirap talaga ng hindi sanay sa hardcore na venue, konting dilim lang nasisira ng laro.

    Pero teka muna, iniisahan mo na naman ako. Sabi ng WALANG KINALAMAN SA BASKETBALL ang usapan dito!
    "Kung ayaw mong masaktan mag-chess ka na lang!"

  9. #9

    Re: Wala Lang: Walang Kinalaman Sa Basketball

    Quote Originally Posted by Wang-Bu

    Sabi ng WALANG KINALAMAN SA BASKETBALL ang usapan dito!
    Sige na nga. Pero mabuhay pa rin ang NU BULLDOGS. Dahil masu-suspend na ang DLSU, magiging 7th na kami imbes na 8th! Yeheey!

  10. #10

    Re: Wala Lang: Walang Kinalaman Sa Basketball

    Nagmamahal ng presyo ng Bilog... kaasar...
    "Kung ayaw mong masaktan mag-chess ka na lang!"

+ Reply to Thread
Page 1 of 98 1 2 3 11 51 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts

Visitor count:
Copyright © 2005 - 2013. Gameface.ph