PDA

View Full Version : NCAA Rulebook



Rafiboy_05
07-25-2010, 10:09 PM
I wonder kung bakit hindi natin (fans/supporters/expectators) nakikita itong rulebook na ito. every year ginagamit siya pero parang ni-isa sa public wala pang nakakakita dito. I wonder if NCAA MANCOM or NCAA Policy Board will make it transparent to us.

LION
07-26-2010, 08:15 AM
I wonder kung bakit hindi natin (fans/supporters/expectators) nakikita itong rulebook na ito. every year ginagamit siya pero parang ni-isa sa public wala pang nakakakita dito. I wonder if NCAA MANCOM or NCAA Policy Board will make it transparent to us.


Your represetative to the MANCOM has a copy of the rule book. Ask for a copy, which means you have to borrow and photocopy it.

oca
06-26-2011, 10:21 AM
Mentioned at the Den, San Beda coach Frankie Lim has lined up Fil-Ams for S88 to replaced those who are maxing out this season. At the NCAA, Fil-Ams who just completed hs in the US are NOT required to take residency.

If these recruits are good enough to maintain the Red Lions' status as a title contender, I expect the NCAA to pass a rule requiring Fil-For fresh hs grads to take up 1 year residency.

The argument will be, other schools don't have the resources to scout and attract fresh hs grads to come over and play in the NC.

As if requiring residency will level the playing field.

Sa mga utak talanka, this is what will level the playing field ---

Put the alumni behind the team. It is these people who provide the financial and human resources that make college teams competitive nowadays. Kung may single benefactor na mayaman, human resources na lang ang kakailanganin.

Residency just delays the inevitable; for if a program has the resources, it can make kids and their family want to come and stay.

Masyado ko bang pinangungunahan? Sorry, guys, I just heard too much of that "losing attitude from other teams". Kesyo wala silang ganito, wala silang ganon. As if walang guma-graduate mula sa mga paaralan nila.

magnum_motoki
06-26-2011, 02:57 PM
Hitting the nail right on the head sir oca! As usual! :)

Spikermike
06-27-2011, 03:26 PM
...Kesyo wala silang ganito, wala silang ganon. As if walang guma-graduate mula sa mga paaralan nila.


OT: Perhaps they are worried na walang guma-graduate na matino sa mga paaralan nila... hahaha
On Topic: Some proponents of the "ban this", "prohibit that", "require this" are usually not familiar will the Rule book.. Like that inane proposal to ban
foreign student athletes. What ought to be prohibited from playing are players with dubious age and academic records.

Wangbu
10-22-2012, 02:03 PM
Hindi pa man tapos ang game 2 ng ncaa finals nung sabado may kaguluhan naganap sa may side ng letran. itong romy guevarra na kilalang international referee at head of officials sa ncaa at sa pba ay pasugod kay coach louie alas ng letran. nakangarat pa ang romy at tila mainit na mainit kay louie. mayroon lang umawat at humarang na ilang lalaki kaya hindi nagpang-abot ang dalawa. nandun kami ni boss joe nung naganap ang insidente. tila ang dahilan ay sumenyas ng pakatay sa sarili niyang leeg si louie, at hindi daw nagustuhan ni romy 'yon.

tanong: kung ang mga koponan, manlalaro, coaches at team and school officials ay sakop ng ncaa rules, ito bang tournament officials ay sakop din ng mga reglamentong ito? ewan ko lang ha, pero tingin ko dapat i-ban si romy sa ginawa niya na 'yon.

bakit?

simple lang: bilang pinuno ng mga opisyal sinira na ni romy ang lahat ng bahid ng pagiging objective at patas ng sarili niyang mga referee. papano? sinugod at nginaratan niya ang coach ng isang paaralan na kasama sa finals sa harap ng buong araneta coliseum at sa harap ng lahat ng nanuod sa tv. galit na galit si romy, at kitang-kita ito, at hindi niya pinagkaila man lang o itinago.

meron pang game 3 ngayong byernes. sa tuwi na lang may ipipito ang mga referees na kontra sa letran, tingin ninyo ano pa kaya ang iisipin ng mga tao, kahit hindi sila kampi sa beda o sa letran? sinugod ng pinuno ng mga referees at nginaratan sa harap ng lahat ng tao ang coach ng letran. malayo kayang sabihan niya mga bata niya na yariin ang letran para lang makaganti sa kagalit niyang coach?

maari naman itanggi ito ni romy, ni comm joe lipa, at ng buong mancom at board. maari pa ngang walang ganong utos na manggagaling kay romy. maari din na maganda at patas talaga ang pitohan. pero sa bandang huli hindi matatanggal sa isipan ng tao na basta may mangyaring medyo dispalinghadong tawag kontra sa letran, ang una nilang iisipin ay dahil kagalit ni romy si louie. sa madali't sabi mukhang patay na ang officiating sa game 3, walang panalo dito ang mga referees at mga punong abala.

ang galing mo romy. inuna mo na naman ang utak-bayag mo bago kapakanan ng liga at ng finals na ito. mag-retire ka na. mag-retire na din dapat si joe lipa at hindi niya maiwan si romy.