PDA

View Full Version : NO MORE TICKETS?!

casual_observer
07-03-2007, 09:09 AM
i called Ticketnet earlier today and, guess what, NO MORE TICKETS for Patron, Lower Box and Upper Box A. hindi pa nila alam kung kailan magre-release ng tickets for those areas. hindi ko naman balak manood ng mga langgam kaya hindi ako bibili ng Upper Box B ticket.

haaaayyyy... sa UP yata, wala na ring ticket. ewan ko. :(

i guess i'll be stuck watching the games on TV. too bad busy people such as myself could not get hold of the tickets. :(

edit: just talked to the UP CHK people. no more tickets too. haaaayyyy... where have all the tickets gone? ::)

casual_observer
07-03-2007, 11:09 AM
sa mga mag-inquire sa Ticketnet, WALA NANG TICKETS except for General Admission.

bluewing
07-03-2007, 11:14 AM
next game ka na manood kung ayaw mo ng gen ad. pahirapan talaga ang ok na ticket pag opening, cheer dance, final 4, finals, at Ateneo-lasal.

casual_observer
07-03-2007, 11:18 AM
next game ka na manood kung ayaw mo ng gen ad. pahirapan talaga ang ok na ticket pag opening, cheer dance, final 4, finals, at Ateneo-lasal.

ang akin lang, dapat ayusin ng Ticketnet ang sistema nila. there should be a reservation system for people who will not have the chance to go to Araneta and buy the tickets from them because they are busy attending to something or busy working. dapat ganun eh. wala silang sistema tapos kapag pumunta ka pa doon sa Upper B or sa Gen Ad ay hoholdapin ka ng mga tarantado sa Cubao katulad nung inirereklamo ni El Mestizo sa PEx.

ako pa naman yung tipo ng tao na kapag ayaw sa akin ng isang bagay, i will not pursue it anymore. baka hindi na lang ako manood ng live games the whole season kung ganyan din lang naman ang trato ng Ticketnet sa mga nagtatrabaho nang matino na katulad ko.

bigmicoy
07-03-2007, 11:22 AM
Upper B and Gen ad lang ang binibenta ng ticketnet...the rest daw allocated sa mga schools...check out your schools kung may tickets pa for lower box and ring side...

casual_observer
07-03-2007, 11:31 AM
^ wala nang tindang ticket sa UP except for Gen Ad. sa Ticketnet naman, Gen Ad na lang ang natira. wala talagang sistema ang Ticketnet para sa mga busy people na katulad ko. >:(

there should be a phone-in ticket reservations system for those na walang time na pumunta sa Araneta on a Monday morning na katulad ako. ako, nagtuturo ako dito sa UP Manila the whole day so you should not expect me to make an appearance in Cubao the whole day just to get a ticket. kung meron lang reservation system ang Ticketnet, itatawag ko lang sa kanila na magpapa-reserve ako ng Lower Box ticket at OK lang sa akin na bumayad nang konti for the reservation. at least kapag may reservation system, sure na may ticket ako.

Howard the Duck
07-03-2007, 11:35 AM
sino ba ang mga naghohoard ng tickets?

casual_observer
07-03-2007, 11:36 AM
sino ba ang mga naghohoard ng tickets?

bakit hindi mo itanong sa school mo? nasa kanila ang kontrol ng allocation, hindi ba? ::)

Howard the Duck
07-03-2007, 11:37 AM
sino ba ang mga naghohoard ng tickets?

bakit hindi mo itanong sa school mo? nasa kanila ang kontrol ng allocation, hindi ba? ::)
malay ko ba, nabiktima din kami nang ganyan last year eh :P

casual_observer
07-03-2007, 11:38 AM
ang dapat talagang gawin dyan ay magkaroon na ng reservations system sa Ticketnet for people who are really too busy to go to Araneta to actually buy tickets. ang nakakabwisit pa ngayon, ituturo pa kami sa kung saan-saang school para lang makakuha ng ticket. gaguhan talaga. hanep! >:(

BigBlue
07-03-2007, 11:48 AM
honestly dude, quit whining. luma nang problema ng uaap yan. araneta is not in the practice of pre-selling upper a, lower box at patron tickets for UAAP games. Kung meron man, kakaunti lang. agahan mo na lang punta mo sa araneta sa sabado. surebol makakakuha ka pa ng upper a.

casual_observer
07-03-2007, 11:51 AM

pasensya na pero may trabaho din ako sa Sabado eh. hindi ko na kayang sumugal sa ganun. hindi naman ako batugan na katulad ng iba dyan. isa pa, walang assurance na makakakuha ka ng SRO tickets since kapag English spokening yung kukuha ng ticket, ia-assume nung taga-Ticketnet na Atenista o Lasalista kaya siguradong bigay sa kanya yung ticket pero yung tulad ko, no ticket.

mabuti sana kung isa sa inyo ang pwedeng mag-sub sa akin to teach economics here in UP at gagawin ko yung sinasabi niyo na pumunta sa Araneta at pumila sa pila na mas mahaba pa sa pila ng Lotto pero walang kasiguraduhan na makukuha yung ticket.

ayokong magpakapagod para sa isang bagay na walang kasiguraduhan. hindi ako mahilig sa sugal. gusto ko sigurado, thus i am pushing for this reservation system to be implemented at nang umalis na sa JURASSIC era ang Ticketnet at UAAP.

do what the Americans do: PRE-SELL THE TICKETS THROUGH A RESERVATION SYSTEM (not unless gusto nilang maulit yung Wowowee stampede sa Araneta).

bluewing
07-03-2007, 11:55 AM
pare, ang UAAP ay passon at commitment, di lang para sa mga player, kundi para sa mga totoong fans din. kung katiting na setback lang, suko ka na, e ano yun? kung gusto mo talaga, gagawa ka ng paraan. gigising ka nang madaling-araw, matutulog ka sa gym, maghahanap ka ng kakilala para bumili para sa iyo, makikisabit ka sa mga kaibigan mong nagpadala ng katulong/ driver, aagahan mo sa gameday nyo para mauna sa SRO, etc. the other schools can say what they want about Ateneans being maaarte and pa-konyo-konyo. pero kung makita mo kung paano namin baliktarin ang mundo para lang makakuha ng ticket, daig pa namin ang mga magbobote.

at nagpapaniwala ka naman dun sa mga tiga-PEX na nagsabing ibebenta nila sa mga naka-blue yung ticket sa Araneta? paano naman mangyayari yon e may pila doon? e di kinuyog yung mga naka-blue doon.

sure, maraming kapalpakan ang UAAP na dapat nilang ayusin. hindi ikaw ang unang nagreklamo dyan. and at the end of the day, dapat ma-realize mo na hindi sa iyo umiikot ang mundo. the best you can do is sabayan ang ikot at isipin mo kung paano mo gagawing advantage yon. sad, but true.

casual_observer
07-03-2007, 12:02 PM
^ pasensya na bluewing pero hindi ko ugali ang manggamit ng kapwa para lang makakuha ng kapirasong papel. isa pa, hard worker ako pero gusto ko sigurado ang lahat ng kilos ko. wala sa ugali ko yung pumapasok sa isang bagay na walang kasiguraduhan, lalo na't alam ko na baka wala akong mapala.

dapat maging sibilisado na tayo. panahon na para magkaroon ng reservation system sa Ticketnet.

paul_tamaraws
07-03-2007, 12:05 PM
may mga upcoming games pa naman e, nagkataon lang na sold-out na yung mga tickets from patron to upper a e dahil opening na this saturday, pero depende pa rin yan sa mga sellers ng ticketnet kung mag-iissue sila ng SRO tickets sa saturday... basta ako sa school na lang ako bibili ng ticket, may discount pa! 8)

bluewing
07-03-2007, 12:08 PM
kung tutuusin, ok din yung pahirapan sa ticket, lalo na yung big games. it separates the men from the boys.

atenean_blooded
07-03-2007, 12:15 PM
Hindi pa yan Ateneo-La Salle game ha. ;D

casual_observer
07-03-2007, 12:23 PM
ang akin lang, sana bigyan man lang ng pagpapahalaga ng Ticketnet at ng UAAP yung mga katulad ko na walang pagkakataon na pumunta mismo sa Araneta o sa mga pinanggalingan namin na escuela para lang bumili ng ticket. yun ang dahilan kaya dapat ay magkaroon ng foolproof na reservations system. ang pagbili ng ticket, dapat through the reservation system only since Araneta Coliseum ang ginagamit na venue. kung hindi Araneta yan, then doon sila bumanat nung jurassic system na meron ngayon.

kawawa naman kaming mga empleyado na alumni na hindi makakapanood dahil walang tamang sistema na in place para sa tickets. we should adopt the Western way of doing things kung gusto nating umasenso- put that reservation system in place.

at dun sa nag-suggest na matulog ako sa gym para lang makakuha ng kapirasong papel na yan, i suggest that you take my place here in UP Manila and live the fact that you have mouths to feed. if you are in such a situation, can you even take your suggestion of doing absolutely stupid things just to get that one bullshit piece of paper?

bluewing
07-03-2007, 12:30 PM

it can be done.

casual_observer
07-03-2007, 12:33 PM
t can be done.

yeah right. and that's by absenting myself from work, denying myself with a day's wage and do desperate and stupid things just to get that bullshit piece of paper which will help me gain admission to the games... at General Admission... and later on, a robber will, again, steal my money and cell phone right inside the Araneta Coliseum the same way robbers stole my cell phone and wallet during the 2nd Ateneo-La Salle game in 2005 while i was assigned at Upper Box B.

yeah right... really. ::)

matiyaga akong tao pero gusto ko yung pinaghihirapan ko ay may guarantee at security. yung ipinagagawa niyo sa akin, malaking kagaguhan dahil walang kasiguraduhan. gusto ko nakikita ko ang resulta ng pinaghihirapan ko, plain and simple. i want things to be black and white.

atenean_blooded
07-03-2007, 12:51 PM
I'll break it down for you.

WALANG RESERVATION sa TicketNet.

If you want tickets, LINE UP OR BUY FROM YOUR SCHOOL.

There you go. Simple. Black-and-white.

casual_observer
07-03-2007, 12:56 PM
I'll break it down for you.

WALANG RESERVATION sa TicketNet.

If you want tickets, LINE UP OR BUY FROM YOUR SCHOOL.

There you go. Simple. Black-and-white.

unless you are willing to substitute me and teach economics to my students, i'll do that. if not, sorry pero kailangan kong kumayod para mabuhay and the only way for Ticketnet and the UAAP to show R-E-S-P-E-C-T for working people who wanted to see the games such as myself is to implement a reservation system. period.

oh wait... wala nang ticket sa Diliman. Gen Ad na lang. kung namimigay ka ng cell phone at pera, doon ka pumuwesto. ;D

atenean_blooded
07-03-2007, 01:00 PM

Go cry a river and pray they'll implement a reservation system.

Although I see no reason why Ticketnet should bend over backwards for you when there are obviously other people who are willing to go through the hassle of lining up, or through asking other people the favor of buying tickets for them, or buying from their schools.

Of course, you have the option not to watch live.

Kid Cubao
07-03-2007, 01:01 PM
catch it on TV if it's too much of a bother.

casual_observer
07-03-2007, 01:04 PM
^ but i want to see it live. pure and simple. the only disadvantage that i have over "others" is that i am entangled on a career which requires me to be stuck here at the university from 7:00 AM to 6:00 PM except when i have master's class in Diliman. i also live in Malate so you would not expect me to be in Cubao at 6:00 AM absenting myself from work just to get that piece of paper.

maswerte nga kayo eh. hindi niyo na kailangan magtrabaho kaya pwedeng pwede kayong pumila sa Araneta o bumili sa scalper ng ticket. eh ako, if i absent myself from work just to get that ticket, isang araw na sweldo ang mawawala.

sure, i want to just see it at the comforts of my living room but it ain't the UAAP if it isn't live (based on experience).

atenean_blooded
07-03-2007, 01:10 PM
Then make choices, including sacrifices.

I don't think it's unreasonable to expect someone who claims to be a university professor and a graduate student and a professional to exhibit some maturity when it comes to things like this, and to actually be aware that watching games live may entail some sort of sacrifice.

Mods, can we lock this thread now?

casual_observer
07-03-2007, 01:12 PM

yes, in life, you have to make sacrifices but for a rich man like you (i assume you are since you are from THE Ateneo), that would not be necessary. for someone like me who earns only P12,000/month and has mouths to feed, doing what you are telling me is just tantamount into saying that i am an irresponsible individual.

i just want to get my ticket in a system that is favorable to my conditions as a busy individual. hindi ko naman kasalanan na nagtatrabaho ako at priority ang work ko over the UAAP, which is exactly why i cannot do what you are suggesting me to do.

we all have different meanings of maturity but to me, not neglecting my job is maturity. demanding for a foolproof reservation system for UAAP tickets is my right as a consumer.

atenean_blooded
07-03-2007, 01:18 PM
Look, you should have known about this long before you began this irresponsibly long rant.

The fact that you don't have tickets is your fault.

casual_observer
07-03-2007, 01:21 PM
Look, you should have known about this long before you began this irresponsibly long rant.

The fact that you don't have tickets is your fault.

so you are saying that i do not have any right as a consumer to demand for a foolproof system which will cater to people like me? hindi pa ba nare-realize ng UAAP na kaming mga may trabaho ang bumubuhay sa kanila at hindi yung mga estudyante na panay lang ang huthot sa mga magulang nila? ???

it is really my fault that i do not have the tickets but it is not my fault that i could not avail of the tickets because i give more emphasis on my duty to the country as a member of the faculty of the University of the Philippines.

jembengzon
07-03-2007, 01:23 PM
this is a useless thread, which the uaap has no control over ticketnet reservations. *ticketnet is anentirely different body from the uaap and has its own set of rules. *ganoon rin when it distributes pba tickets, especially in the play-offs.

please lock this thread before it becomes a griping and argument session

JonarSabilano
07-03-2007, 01:24 PM
Then make choices, including sacrifices.

I don't think it's unreasonable to expect someone who claims to be a university professor and a graduate student and a professional to exhibit some maturity when it comes to things like this, and to actually be aware that watching games live may entail some sort of sacrifice.

Mods, can we lock this thread now?

yes, in life, you have to make sacrifices but for a rich man like you (i assume you are since you are from THE Ateneo), that would not be necessary. for someone like me who earns only P12,000/month and has mouths to feed, doing what you are telling me is just tantamount into saying that i am an irresponsible individual.

we all have different meanings of maturity but to me, not neglecting my job is maturity. demanding for a foolproof reservation system for UAAP tickets is my right as a consumer.

You might want to take it up directly with TicketNet or the Araneta management itself. And, if you gather enough signatures or something, you might just sway the management. However, for all the good intentions that you have, I doubt if TicketNet will be swayed just like that. You might want to visit tickenet.com.ph for suggestions.

As for queueing up in front of the BEG starting midnight for Ateneo-La Salle tickets, I guess it's an acquired taste. I wasn't able to do that in college and regret not being able to do so -- it's tradition, y'know. Sort of a local version of Duke's K-Ville.

Basta ako, sa bahay na lang. I wasn't able to get tickets myself, but at least pwedeng mag-beer and chips habang nanonood. *;D

blue scorpion
07-03-2007, 01:26 PM
have to

unless you are willing to substitute me and teach economics to my students, i'll do that. if not, sorry pero kailangan kong kumayod para mabuhay and the only way for Ticketnet and the UAAP to show R-E-S-P-E-C-T for working people who wanted to see the games such as myself is to implement a reservation system. period.

oh wait... wala nang ticket sa Diliman. Gen Ad na lang. kung namimigay ka ng cell phone at pera, doon ka pumuwesto. ;D

From an economics major standpoint, there is this economic concept called scarcity. Scarcity means that finite goods/resources are not enough for men's infinite demand. Because of scarcity, the resources will have value. Because of its value, scarce resources do not come free. In fact, you have to trade one good for another. Mankiw said that "if you want something, you have to give up something."

In this example, you have to choose between your UAAP ticket and your wage. If you want to have your UAAP ticket, you have to give up your wage and vise versa. My stat teacher once said that "wage is the opportunity cost for leisure." Because you are an economics teacher, I assume you know what opportunity cost means.

Ergo, you have to choose between this two. You have to choose the good that will give you the higher utility or benefit. If you think you will be happier with a UAAP ticket, then choose the UAAP ticket. If not, then pick your wage.

casual_observer
07-03-2007, 01:28 PM
^ masarap sanang manood sa bahay but the mere fact that being in a place you hated most is indeed more stressful than watching the game live in Araneta.

yes, Ticketnet is indeed a different entity from the UAAP and vice versa but the UAAP is the one that controls the allocation of tickets to the schools and Ticketnet. as what the Ticketnet rep told me earlier, Ticketnet only got 30 percent of the total number of tickets while the rest were distributed among schools. the bad thing about Ticketnet was that aside from not having any form of respect to busy individuals who wish to see events at The Big Dome, they cater more to scalpers (i.e., those who buy 10+ tickets per person) than to legitimate sports fans.

atenean_blooded
07-03-2007, 01:29 PM
It's your fault you did not take the necessary measures in advance having known that tickets are going to be released, that tickets are hard to come by, and that you will probably need to do something about this if you really want to watch live.

The UAAP is probably well aware that it will need to cater to people who work, since these people obviously have spending power. But lots of people who work who are successful in their quest for tickets are successful because they work things out.

What the hell is your idea of "fool proof" anyway? In the West, which you brought up earlier, people plan ahead, and know that when push comes to shove, they will have to make certain sacrifices in order to get what they want or need.

Ranting like this, and attack the personalities of people who point out the sheer lack of logic displayed in your rant is that, illogical, if not absolutely irresponsible. It does not change the fact that lack of planning and foresight has inevitably resulted in your not having tickets.

And that's your fault, not the UAAP's. As far as the UAAP is concerned, it's been selling tickets to people who are able and willing to buy. The same thing goes for Ticketnet.

Kid Cubao
07-03-2007, 01:30 PM
halata namang bagong salta sa mundo ng UAAP fandom itong si casual observer, kaya naninibago sa mga pamamaraan ng pagkuha ng tiket.

casual_observer
07-03-2007, 01:31 PM
From an economics major standpoint, there is this economic concept called scarcity. Scarcity means that finite goods/resources are not enough for men's infinite demand. Because of scarcity, the resources will have value. Because of its value, scarce resources do not come free. In fact, you have to trade one good for another. Mankiw said that "if you want something, you have to give up something."

In this example, you have to choose between your UAAP ticket and your wage. If you want to have your UAAP ticket, you have to give up your wage and vise versa. My stat teacher once said that "wage is the opportunity cost for leisure." Because you are an economics teacher, I assume you know what opportunity cost means.

Ergo, you have to choose between this two. You have to choose the good that will give you the higher utility or benefit. If you think you will be happier with a UAAP ticket, then choose the UAAP ticket. If not, then pick your wage.

i know, which is why Ticketnet and the UAAP must be aware that there are people like me who still wish to see the games live but are actually too busy to go to Araneta or to our respective schools just to get tickets.

and yes, i am aware of the opportunity cost of watching the games. however, such opportunity cost may be lessened if only Ticketnet and the UAAP are civilized enough to implement a policy that tickets can only be bought on a reservation basis (to avoid scalpers).

and Kid Cubao, hindi ako bagong salta sa UAAP fandom. naranasan ko na rin yung ganito before pero OK pa noon dahil estudyante pa ako. ngayon na nagtatrabaho na ako, aba, sana naman ay pahalagahan kami ng Ticketnet at UAAP dahil kung hindi dahil sa amin ay wala silang pera.

BigBlue
07-03-2007, 01:34 PM
you wanna have your cake and eat it too? lucky you.

casual_observer
07-03-2007, 01:35 PM
for atenean blooded's benefit:

fool proof = no chance for scalpers to get the tickets = sell tickets only on a reservation basis = secured seats for everyone

gets? ::)

atenean_blooded
07-03-2007, 01:35 PM
"Those who still wish to see the games live but are actually too busy to go to Araneta or to our respective schools just to get tickets" = wala sa target market, obviously.

casual_observer
07-03-2007, 01:36 PM
^ so anong target market mo? yung mga scalpers na protektado ng mga empleyado ng Ticketnet at nung mga ulol sa loob ng mga UAAP schools?

don't tell me na ang UAAP games ay reserved na lang pala para sa mga mapeperang mga Atenista at mga Lasalista na tulad mo? ::)

BigBlue, i deserve a share of that cake. i worked hard for that.

atenean_blooded
07-03-2007, 01:37 PM
for atenean blooded's benefit:

fool proof = no chance for scalpers to get the tickets = sell tickets only on a reservation basis = secured seats for everyone

gets? ::)

That's not fool-proof, since everybody who gets to buy tickets is obviously a potential scalper.

casual_observer
07-03-2007, 01:37 PM
^ ang policy nga kapag may reservation system na ay ONE TICKET PER PERSON, kaya nga may reservation system eh. kapag lumampas sa dalawa ang bibilhin mo, scalper ka.

parang DFA, no appearance, no passport. sa bagong system, no appearance, no sale.

gets mo? ::)

atenean_blooded
07-03-2007, 01:38 PM
^ so anong target market mo? yung mga scalpers na protektado ng mga empleyado ng Ticketnet at nung mga ulol sa loob ng mga UAAP schools?

The target market, obviously, is that group of sports fans able and willing to buy tickets.

That's elementary.

don't tell me na ang UAAP games ay reserved na lang pala para sa mga mapeperang mga Atenista at mga Lasalista na tulad mo? ::)

I didn't even say anything like that.

Illogical remarks like that are stupid.

BigBlue
07-03-2007, 01:39 PM
BigBlue, i deserve a share of that cake. i worked hard for that.

oh yeah, you did. you made a phone call. right. hard work.

JonarSabilano
07-03-2007, 01:39 PM
Puwede kang gumawa ng paraan. Halimbawa, kung may kaibigan kang dadaan sa Cubao o Diliman, magpabili ka na sa kanya. O kung ayaw mong pumila nang maaga ngayong Sabado, kung may kakilala kang bibili ng ticket sa mismong araw na 'yun, magpabili ka na rin ng isang extrang ticket (BTW, noong last time na nanood ako, maximum of two tickets per person sa mismong gameday). Tapos, magkita na lang kayo sa hapon.

Kung natatakot ka namang SRO na lang ang maaabutan mo, papasukin mo na agad 'yung kaibigan mo. Magpareserba ng upuan. Tapos, magkita kayo sa Starbucks sa Araneta, dun sa may bandang harang. Tapos, ipaabot mo sa kanya ang ticket. Magpahintay ka sa loob at magpasama papunta sa upuan ninyo.

Honestly, though, hindi rin naman ako nagreklamo noong SRO crowd ang naabutan ko sa Big Dome dati. Mas masaya pa nga, e.

atenean_blooded
07-03-2007, 01:39 PM
^ ang policy nga kapag may reservation system na ay ONE TICKET PER PERSON, kaya nga may reservation system eh. kapag lumampas sa dalawa ang bibilhin mo, scalper ka.

parang DFA, no appearance, no passport. sa bagong system, no appearance, no sale.

gets mo? ::)

Sure. But even someone who buys one ticket can scalp it.

Try again.

casual_observer
07-03-2007, 01:40 PM
^ sports fans ba talaga or enterprising criminals who will make money from poor students and desperate sports fans by re-selling them overpriced tickets? yun ba ang target market mo, ha, atenean blooded? ::)

isa pa, bakit ko nga ba nasabi na mga Atenista at mga Lasalista ang nakakalamang dito? syempre, kayo ang may pera at yung may-ari ng Araneta, kayo ang paborito.

casual_observer
07-03-2007, 01:41 PM
Puwede kang gumawa ng paraan. Halimbawa, kung may kaibigan kang dadaan sa Cubao o Diliman, magpabili ka na sa kanya. O kung ayaw mong pumila nang maaga ngayong Sabado, kung may kakilala kang bibili ng ticket sa mismong araw na 'yun, magpabili ka na rin ng isang extrang ticket (BTW, noong last time na nanood ako, maximum of two tickets per person sa mismong gameday). Tapos, magkita na lang kayo sa hapon.

Kung natatakot ka namang SRO na lang ang maaabutan mo, papasukin mo na agad 'yung kaibigan mo. Magpareserba ng upuan. Tapos, magkita kayo sa Starbucks sa Araneta, dun sa may bandang harang. Tapos, ipaabot mo sa kanya ang ticket. Magpahintay ka sa loob at magpasama papunta sa upuan ninyo.

Honestly, though, hindi rin naman ako nagreklamo noong SRO crowd ang naabutan ko sa Big Dome dati. Mas masaya pa nga, e.

buti sana kung pwede yun eh wala akong tiwala sa tao pag pera na ang usapan. mahal ko ang pinaghirapan ko.

isa pa, wala akong pwedeng pakiusapan sa ganyan. it's either they do not give a damn on the UAAP or they are too busy working.

atenean_blooded
07-03-2007, 01:42 PM
^ sports fans ba talaga or enterprising criminals who will make money from poor students and desperate sports fans by re-selling them overpriced tickets? yun ba ang target market mo, ha, atenean blooded? ::)

You missed the key words: "able and willing to buy tickets."

isa pa, bakit ko nga ba nasabi na mga Atenista at mga Lasalista ang nakakalamang dito? syempre, kayo ang may pera at yung may-ari ng Araneta, kayo ang paborito.

More lack of logic.

casual_observer
07-03-2007, 01:43 PM
Sure. But even someone who buys one ticket can scalp it.

Try again.

tanga ka ba? kapag sinabing One Ticket per Person, bukod sa may required na appearance, ISA lang ang pwede niyang bilhin. if he loses that one ticket or sold it to another, HE WILL BE DISQUALIFIED TO BUY A NEW ONE.

each seat inside the Big Dome will be assigned to one person. yung tao na yun lang ang pwedeng umupo doon. kapag nawala yung ticket o ibinenta sa iba, forfeited na. doon na papasok ang serial number system sa tickets. if the serial number mismatches the holder, HINDI PAPASUKIN.

JonarSabilano
07-03-2007, 01:44 PM
^ sports fans ba talaga or enterprising criminals who will make money from poor students and desperate sports fans by re-selling them overpriced tickets? yun ba ang target market mo, ha, atenean blooded? ::)

isa pa, bakit ko nga ba nasabi na mga Atenista at mga Lasalista ang nakakalamang dito? syempre, kayo ang may pera at yung may-ari ng Araneta, kayo ang paborito.

Hindi naman yata sa ganoon. What I think atenean_blooded meant was that there is absolutely no way that TicketNet can make sure that it won't sell to a scalper. It's not as if they keep a list of known scalpers or check for passports or identity documents every time they make a sale.

BigBlue
07-03-2007, 01:46 PM
what's that i hear? a crying baby? awww... someone's getting cranky.. poor baby needs his nap time. and cake too.

casual_observer
07-03-2007, 01:47 PM
Hindi naman yata sa ganoon. What I think atenean_blooded meant was that there is absolutely no way that TicketNet can make sure that it won't sell to a scalper. It's not as if they keep a list of known scalpers or check for passports or identity documents every time they make a sale.

kaya nga dapat kapag nagbenta sila ng ticket, required ang appearance at merong serial number yung ticket na yun na kapag mismatch yung serial number at identity nung tao, void na yung ticket.

regulation. police power. plain and simple.

one more fact: Ticketnet and UAAP do not care for people like me who have no time to actually obtain tickets at the Ticketnet booth or from our respective schools because we're so busy working in order to keep ourselves alive on a daily basis. yung reservations system lang ang way para irespeto man lang kami ng dalawang mga hudas na yan.

atenean_blooded
07-03-2007, 01:48 PM
Sure. But even someone who buys one ticket can scalp it.

Try again.

tanga ka ba? kapag sinabing One Ticket per Person, bukod sa may required na appearance, ISA lang ang pwede niyang bilhin. if he loses that one ticket or sold it to another, HE WILL BE DISQUALIFIED TO BUY A NEW ONE.

How do you expect Ticketnet to verify the limitation of ticket sales to one person and to ensure that that person does not sell the other ticket? And what sort of mechanism do you propose they implement, which will actually prove to be to TicketNet or the UAAP's economic benefit? Because the implementation of any system like that will necessarily entail costs which TicketNet or the UAAP will find that come with really no benefits.

JonarSabilano
07-03-2007, 01:50 PM
Puwede kang gumawa ng paraan. Halimbawa, kung may kaibigan kang dadaan sa Cubao o Diliman, magpabili ka na sa kanya. O kung ayaw mong pumila nang maaga ngayong Sabado, kung may kakilala kang bibili ng ticket sa mismong araw na 'yun, magpabili ka na rin ng isang extrang ticket (BTW, noong last time na nanood ako, maximum of two tickets per person sa mismong gameday). Tapos, magkita na lang kayo sa hapon.

Kung natatakot ka namang SRO na lang ang maaabutan mo, papasukin mo na agad 'yung kaibigan mo. Magpareserba ng upuan. Tapos, magkita kayo sa Starbucks sa Araneta, dun sa may bandang harang. Tapos, ipaabot mo sa kanya ang ticket. Magpahintay ka sa loob at magpasama papunta sa upuan ninyo.

Honestly, though, hindi rin naman ako nagreklamo noong SRO crowd ang naabutan ko sa Big Dome dati. Mas masaya pa nga, e.

buti sana kung pwede yun eh wala akong tiwala sa tao pag pera na ang usapan. mahal ko ang pinaghirapan ko.

isa pa, wala akong pwedeng pakiusapan sa ganyan. it's either they do not give a damn on the UAAP or they are too busy working.

Ah. Mahirap nga kung ganoon. I'm lucky to have friends whom I can trust my money with and actually have time to buy tickets as soon as gates open. 8)

Actually, nagkaroon din ako ng issue with TicketNet before. Kesyo ayaw nila magpareserve ng ticket. 2002-2003 pa yata 'yung reklamo kong 'yun, so I can pretty much empathize with you. But then again, the majority of buyers prefer buying right then and there and people like us who'd want to have a reservation system are pretty much the minority, and Araneta / TicketNet management must be feeling that installing a reserveation system is not worth the investment, so ayun, I'll try to put my mind to work and think up more ways to get that elusive ticket.

casual_observer
07-03-2007, 01:50 PM
How do you expect Ticketnet to verify the limitation of ticket sales to one person and to ensure that that person does not sell the other ticket? And what sort of mechanism do you propose they implement, which will actually prove to be to TicketNet or the UAAP's economic benefit? Because the implementation of any system like that will necessarily entail costs which TicketNet or the UAAP will find that come with really no benefits.

no benefit? eh yung mga reklamo tungkol sa scalpers, hindi ba nila nare-realize na yung suggestion ko ang paraan para matapos na ang maliligayang araw ng mga kriminal na yun?

mag-isip ka nga! palibhasa kasi OK ka na kaya wala ka nang pakialam sa iba.

casual_observer
07-03-2007, 01:51 PM

isa ang dahilan kung bakit ayaw nila ng reservations system- gusto nila hawak na kaagad nila yung pera. mukhang pera ang mga kolokoy na yan e. ::)

suwapang sina Araneta pagdating sa negosyo kaya hindi na ako dapat magtaka pa kung ganyan ang business practices nila.

atenean_blooded
07-03-2007, 01:54 PM
How do you expect Ticketnet to verify the limitation of ticket sales to one person and to ensure that that person does not sell the other ticket? And what sort of mechanism do you propose they implement, which will actually prove to be to TicketNet or the UAAP's economic benefit? Because the implementation of any system like that will necessarily entail costs which TicketNet or the UAAP will find that come with really no benefits.

no benefit? eh yung mga reklamo tungkol sa scalpers, hindi ba nila nare-realize na yung suggestion ko ang paraan para matapos na ang maliligayang araw ng mga kriminal na yun?

mag-isip ka nga! palibhasa kasi OK ka na kaya wala ka nang pakialam sa iba.

Your proposal does not provide any mechanism to discriminate between scalpers and sports fans.

Surely, you would have understood the need for proper distinctions for a valid exercise of "police power," since you did bring it up, yes?

RAINMAN
07-03-2007, 01:56 PM
Prof., if you need a ticket, please email me at uplaw86@yahoo.com. *Masyadong makitid ang utak ng mga kapatid natin sa Katipunan. *Palibhasa hindi sila sanay sa ikot na jeep.

atenean_blooded
07-03-2007, 02:02 PM
O, ayan, casual_observer. May magliligtas na sa iyo. ;D

Now the mods can lock this thread. :)

JonarSabilano
07-03-2007, 02:04 PM
Prof., if you need a ticket, please email me at uplaw86@yahoo.com. *Masyadong makitid ang utak ng mga kapatid natin sa Katipunan. *Palibhasa hindi sila sanay sa ikot na jeep.

Pasensya na, kapatid, pero mukhang flamebaiting ang dating niyan sa akin. Nagdyi-dyip din ako noong nasa kolehiyo pa ako, at kahit ngayong may trabaho na ako.

Ang problema nga lang dito sa thread na ito, hindi yata Gameface.ph ang nagbebenta ng ticket. TicketNet ang may hawak niyon. At kung mayroong mungkahi ang ka-eskuwela mo para mapabuti ang pagbebenta ng ticket, mas mainam sana kung sa TicketNet mismo dumulog nang maiwasan pa ang pagpe-flamebait na maaaring mangyari.

bigmicoy
07-03-2007, 02:06 PM
ang gulo na dito...hehehe

i was hoping this thread will help us on how to get tickets for the upcoming games lalo sa opening...

Casual has a good suggestion...but this should be presented to tickenet and UAAP. *I'm sure a lot of people have the same sentiment...but as of the moment, we all just have to go with the system...kung meron man...hehehehe

just type away!!!...

blue scorpion
07-03-2007, 02:46 PM
and yes, i am aware of the opportunity cost of watching the games. however, such opportunity cost may be lessened if only Ticketnet and the UAAP are civilized enough to implement a policy that tickets can only be bought on a reservation basis (to avoid scalpers).

However, in the sad reality of life, the UAAP does not have that system. Therefore, apply the principle of economics that you have been teaching. Choose the higher utility between the two goods. As an economics teacher, you should know that nothing comes free in this world. So live with it. If ayaw mong pumila for a UAAP ticket because of your wage, then don't.

If you want to change the UAAP system, then change it. Wala namang pumipigil sa iyo. However, you should know that it does not come free. You have to forego a lot of leisure time for the system to be change. In order for the system to change, you need probably to write the UAAP board or get signatures or present your suggestion to the UAAP board. HOwever, this takes time. If you are willing to give up yuor leisure time just for the UAAP board to change its system of ticket distribution, then do it. I think this is much better than ranting in an internet forum where the UAAP board most probably not read.

Kid Cubao
07-03-2007, 02:53 PM
wow, the principle of opportunity cost as applied in the UAAP setting :)

nel
07-03-2007, 03:02 PM
Not to mention the law of supply and demand. Double wow! The UAAP is now finally able to show its relevance to education.

bluewing
07-03-2007, 03:13 PM
tarages, limang page?

para sa isang rant?

oh, yeah....

5FootCarrot
07-03-2007, 03:15 PM
More on economics and the UAAP - don't forget local content requirements also apply in the league! ;D

CM_Punk
07-03-2007, 03:28 PM
tarages, limang page?

para sa isang rant?

oh, yeah....

What else is new? That's why I refuse to post in any thread in the Oblation Nation with him as the threadstarter. I'm getting sick and tired of the long rants. That's why I haven't said anything about UP's 1st game this Saturday.

If you can't get a ticket, too bad. Better luck next time.

venom
07-03-2007, 04:00 PM
^ just remember the Pio V doctrine. ;)

keempee
07-03-2007, 04:04 PM
tarages, limang page?

para sa isang rant?

oh, yeah....

What else is new? That's why I refuse to post in any thread in the Oblation Nation with him as the threadstarter. I'm getting sick and tired of the long rants. That's why I haven't said anything about UP's 1st game this Saturday.

If you can't get a ticket, too bad. Better luck next time.

oh man! same here. baka matuwa nga yan at madaming nagpost dito. but any thread started (or post, for that matter) by a veteran jewish spy, i avoid like a plague.

we're feeding a troll.

titan
07-03-2007, 04:13 PM
tarages, limang page?

para sa isang rant?

oh, yeah....

What else is new? That's why I refuse to post in any thread in the Oblation Nation with him as the threadstarter. I'm getting sick and tired of the long rants. That's why I haven't said anything about UP's 1st game this Saturday.

If you can't get a ticket, too bad. Better luck next time.

tama! manood ka na lang sa tv or better yet, pumila ka na lang for up's next game mr mossad, este beterano, este el mestizo ay last na prof casual observer. ;)

Jump_Shooter
07-03-2007, 04:28 PM
This discussion has gone far enough already. While I truly appreciate the free economics lessons dished out by some of you, I'm afraid I need to lock this thread because the thread starter has become antagonistic against those who disagree with him. The ticket distribution system of the UAAP does need to be improved, no doubt, but it can be discussed in a much better way.

Warning on RAINMAN for flame-baiting.

Locking...